Rekomendasyon:
- Dapat matuto tayong magserbisyo sa ating bansa. At ipagmalaki ang ating kultura bago tayo magserbisyo sa ibang bansa.
- Makinig sa mga miyembro ng ating pamilya dahil alam nila ang mas nakabubuti sa iyo.
- Isipin ang mabuti at di mabuti na magiging epekto ng iyong desisyon kung ikaw ay malalayo sa iyong pamilya.
- Disiplinahin ang iyong pamilya at ipaalam sakanila na nandiyan palagi ang iyong pag aalaga sa kanila upang hindi sila mag-alala.
- wag magpa dalos-dalos sa mga desisyon at dapat na alamin muna ang maganda o masamang maidudulot nito sa iyong buhay.
- Kung hindi sang-ayong ang karamihan sa pamilya sa iyong plano ay mas mabuti na wag na itong ipagpatuloy dahil maaaring ito'y maging sanhi ng hindi pagkakaintindihan.
- Maging sensitibo sa nararamdaman ng mga taong nasa paligid mo.
Makapaghihintay ang Amerika
May Akda: Dionisio S. Salazar
Nagwagi
ng unang gantimpala sa Gawad Palanca noong 1968.
Si
Salazar ay isa sa mga manunulat na Pilipinong naghahandug ng
Kanyang
buhay at talento sa pagpapaunlad, pagpapalaganap, at
Pagtampok
ng panitikan sa bansa.
Mga
tauhan:
- Ligaya Abad Cortez - Asawa ni Doctor Fidel Cortez at ina ng kanilang dalawang anak na sina Rosa at Boy.
- Doctor Fidel Cortez- mabuting anak ni Nora Marta at asawa ni Ligaya Abad Cortez.
- Rosa at Boy- mga anak nila Ligaya At Fidel Cortez
- Nora Marta- mapagmahal na ina nni Doctor Fidel Cortez at tumulong para masolba ang kanilang problema.
Buod ng Akda
Si Fidel kasama ang kanyang asawa, mga anak at ang kanyang mga magulang na si Lola Marta ay masayang naninirahan sakanilang tahanan talaga namang makikita mo ang pagmamahalan nila sa bawat isa.
Gusto ni Fidel na makapagtrabaho sa ibang bansa upang magkaroon ng mas malaking ipon para makapagpatayo ng mas malaking bahay. Isa pa sa mga dahilan kaya gustong lumayo ni Fidel ay upang maiwasan ang mga tiwaling opisyal sa bansa. Sinabi rin niya na kung sa Pilipinas siya magtatrabaho ay hindi siya makakapag-ipon. Hindi sang-ayon si Ligaya sa plano niyang ito. Ayaw niyang malayo sakanya si Fidel dahil natatakot siya na baka makahanap ng iba ang kanyang asawa. Walang nagawa si Fidel sakanyang gusto dahil mismo ang buo niyang pamilya ay hindi sang-ayon dito maging ang kanyang ina.
Bilang isang mabuting ama, ang iniisip lamang ni Fidel ay kung ano ang mas nakabubuti para sakanyang pamilya. Gusto niyang mabigyan ng magandang buhay ang kanyang mga anak. Gusto niyang umalis sa bansa dahil alam niya na kung nasa Pilipinas siya ay hindi sapat ang kanyang sweldo para sa mga pangangailangan ng kanyang pamilya. Ganun pa man, mas nangibabaw pa din ang kanyang pagmamahal niya sakanyang pamilya, lalo na ng ibalita sa kanya ng asawang si Ligaya na nagdadalang tao ito. Dahil dito ay napagtanto ni Fidel na makapaghihintay na lamang ang Amerika sa kanya.
Mga
aral na napulot mula sa akda:
- Ang mga aral na natutuhan namin ay maraming mga pinoy na pumupunta sa ibang bansa para makapagtrabaho hindi lang dahil maliit ang sahod sa Pilipinas kundi dahil na rin sa pagtrato ng gobyerno sa mga tao. Kahit na yung mga nag-aaply sa gobyerno ng trabaho ay yung mga meron nang pinagdadaanan, may dati nang karanasan, o yung mga nakapagtapos na na may matataas na posisyon o ranggo ay yung mga tao parin na may koneksiyon ang tinananggap nila. Ito rin yung isa sa mga rason sa bakit ang Pilipinas ay dumaan sa "brain drain" dahil ang mga propesyonal na nakapagtapos ay pumupunta sa abroad upang magkaroon ng mas malaking sahod at para sila ay makapasok agad.
- Dapat matuto tayo na maging sensitibo sa nararamdaman ng ating mga kapamilya.
- Makinig tayo sa mga kagustuhan nila upang magkaintindihan.
- Iwasan na magpadalos-dalos ng mga desisyon.
- Ipaalam ang mga plano at desisyon mo sa pamilya upang malaman nila.
- Huwag magtatago ng kahit na anong sikreto sa pamilya dahil maaaring maging sanhi ito ng pagkawala ng tiwala.